Million People March: Scrap corruption! #scrappork #millionpeoplemarch

“We are the boss! Stop corruption! Tama na ang pambababoy!”

Filipinos all over the world are celebrating National Heroes’ Day in a different way today. People are marching for a cause and this is dubbed as MillionPeopleMarch. This is the Filipinos’ way of fighting against corruption. The Pork Barrel scam has sparked outrage from the masses, from the people who pay their taxes diligently (and painfully).

Bilang isang mamamayan ng bansang Pilipinas, ako ay isa ring taxpayer. At dahil ako ay single, malaki laki na rin kung maituturing ang bahagi ng sahod ko ang napupunta sa gobyerno. Alam ko naman na tungkulin ko ito bilang isang Pilipino. Nakinabang din naman ako sa pera ng gobyerno dahil isa akong iskolar ng bayan magmula ng ako’y nag aral sa prestihiyosong mga eskwelahan tulad ng Philippine Science High School at MSU-IIT. Naisakatuparan lng din ang pagkuha ko ng Master’s degree ng IT sa Ateneo de Davao dahil sa CHED iskolarship. Kaya masaya rin naman ako na alam kong may isang katulad ko ang makikinabang sa perang binibigay ko sa gobyerno.

Courtesy of ANC twitter account

Courtesy of ANC twitter account

Ngunit kapag ako ay may mga naririnig na balita tungkol sa korapsyon sa gobyerno, nasasaktan at nagagalit ako. Lalo na’t para sa akin ay malaking halaga ng sahod ko buwan buwan ang napupunta sa kanila. Nagtitipid ako para mapagkasya ang perang natititra sa sahod ko tapos wawaldasin lang ng ibang mga pulitiko?! Ano ba naman yan… E di sana ako na lang ang nagwaldas ng perang pinaghirapan ko, d ba? O kaya binigay ko nlng sa simbahan o kaya sa mga charity institution? At least, sure akong nakakatulong ako at hindi sa bulsa ng kung sinu-sinong mga kurakot napupunta ang perang pinaghihirapan ko. Hay naku… okay, hindi naman ako tutol talaga sa pagbabayad ng buwis. Gamitin lang sana sa mabuti at para sa mas nakakarami ang pera ng sambayanan. Magkaroon ng tamang proseso hindi lamang sa pagsingil ng buwis kundi pati na rin sa paggamit nito.

I am so proud of my kababayans because we are growing as a nation. We want transparency from our government. Everyone is taking part in the nation’s growth. With this awareness, I believe that we really are on our way to “daang matuwid”. Having taken PNoy’s word of having the masses as his boss and taking everyone to the right/straight (daang matuwid) path seriously, Filipinos from all walks of life are participating in making this come true. Our nation is on its way to progress! Magkaisa!

Tribute to Ninoy, Heroes’ Day

One thought on “Million People March: Scrap corruption! #scrappork #millionpeoplemarch

Leave a comment... :)

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s